JA PasiklabinangPangarap ay malawak na programang pakay payabungin ang karunungang pinansyal ng mga mag-aaral ng elementarya sa murang edad at kalaunay hikayatin silang isabuhay ang kanilang pangarap. Ang programang ito ay nagbibigay ng kahusayan sa mga mag-aaral upang maging mahuhusay na indibidwal sa karunungang pinansyal at maging socially-minded, positibong ambag sa komunidad ang kanilang kaisipan at balangkas sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kasangkapan at oportunidad upang manguna sa kanilang kinabukasang pinansyal.
Ang programang ito ay binubuo ng apat na sesyon na may tatlong aspeto: kamalayang pinansyal, karunungang pinansyal, at ekonomiko at sosyal na inklusyon. Pauunlarin ang karunungang pinansyal ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba't ibang karanasan sa pinagsamang mga aralin ukol sa pamamahalang pinansyal na pinangungunahan ng mga boluntaryong negosyante, interaktibong online learning platform, mga aktibidad pampamilya, ugnayang pangkomunidad, at isang palitan ng mga mag-aaral sa panrehiyonal na kaganapan.