Ang mga Termino sa Paggamit na ito ay isinasagawa sa mga website (www.japionline.org/, www.jasparkthedream.org) at sa mga produkto't serbisyo ng Junior Achievement Philippines (JAPH). Sa pag-access ng aming mga website o paggamit ng aming mga produkto't serbisyo, sumasang-ayon ka na matali sa lahat ng mga Termino sa Paggamit at sa Polisiya sa Pribasiya.
Gamit sa Impormasyon at Materyales
Pwera na lang kung espisipikong sinabi, lahat ng impormasyon at materyales sa Website na ito ay para sa layunin ng impormasyon lamang at hindi legal na nakatatali. Ang mga impormasyon at materyales sa Website na ito ay ibinibigay “as is” at “as available” nang walang anumang warranty, sinabi man o pinahiwatig. Partikular, walang warranty ukol sa non-infringement, seguridad, katumpakan, pagkanasapanahon, kaangkupan para sa isang tunguhin o kalayaan mula sa mga bayrus sa kompyuter o iba pa na ibinibigay na konektado sa mgs impormasyon at materyales.
Kinikilala mo at sumasang-ayon ka na sa paggamit ng Website na ito, kabilang na pero hindi limitado sa paggamit ng anumang serbisyo bilang isang rehistradong gumagamit, ang iyong tagapaghatid ng serbisyong telekomunikasyon ay maaaring sumingil ng mga bayarin base sa dami ng datos na ipinadala at/o sumingil ng anumang ibang bayarin ayon sa maaaring napagsang-ayunan sa pagitan mo at ng iyong tagapaghatid ng serbisyong telekomunikasyon.
Ang link o sanggunian tungo sa anumang third-party na kumpanya, serbisyo, produkto o website sa Website na ito (“Third Party Services”) ay sa anumang paraan hindi katumbas sa o nagpapahiwatig ng pag-endorso ng JAPH. Ang JAPH ay hindi nagsasagawa ng sinabi o ipinahiwatig na mga warranty o representasyon na may kinalaman sa pagkatumpak, pagkanasapanahon, o pagkakumpleto ng anumang impormasyong napapaloob sa nasabing Third-Party Services.
Ang iyong paggamit sa Third-Party Services ay dapat at your own risk. Walang anumang kaganapan na ang JAPH ay magkakaroon ng anumang pananagutan sa kahit sinong tao o nilalang na nagmumula o may kinalaman sa anumang gamit ng Third-Party Services.
Rehistradong Tagagamit
Dapat ikaw ay maging rehistradong tagagamit para magamit ang Website na ito sa pamamagitan ng pagrehistro ng account (“Account”), kung saan sumasang-ayon kang:
Ikaw ay dapat maging responsable sa pagsisiguro na ang mga detalyeng ibinigay mo para sa pagpaparehistro ng Account ay wasto at kumpleto, at na ipaalam nang napapanahon sa JAPH ang anumang pagbabago sa impormasyong iyong ibinigay.
Dapat ikaw ay maging responsable sa at kunin ang lahat ng kinakailangang hakbang para mapanatili ang pagiging kumpidensiyal at ang seguridad ng Account at password at para sa pagbabawal ng access sa iyong kompyuter at mga device kung saan ang Account ay nagamit o ginagamit, at kung hanggang saan pinahihintulutan ng mga naaangkop na batas, sumasang-ayon kang tumanggap ng responsibilidad para sa lahat ng aktibidad na magaganap sa ilalim ng iyong Account. Dapat ipaalam mo agad sa amin kung mayroon kang dahilan para maniwala na ang iyong Account o password ay ginagamit, o maaaring gamitin sa hindi awtorisadong paraan.
Maaaring ihinto o suspendihin ng JAPH ang iyong Account, anumang gamit ng nasabing Account, at/o anumang karapatan at pribilehiyo bilang naghahawak ng nasabing Account sa kahit anong oras nang walang paunang abiso sa iyo.
Pribasiya
Sa pag-access, pagrehistro o paggamit ng Website na ito, ikaw ay itinuturing na nakapagbasa, lubos na nakaunawa at sumasang-ayon sa mga nilalaman ng Pahayag sa Patakaran sa Pribasiya.
Copyright & karapatan sa intelektwal na pag-aari
Ang presentasyon at lahat ng nilalaman ng Website na ito, kabilang pero hindi limitado sa mga pangalan, pagkakahawig, imahe, larawan, audio clip, video clip, logo, simbolo, marka, produkto’t serbisyo, ay napapasailalim sa copyright, mga karapatan sa disenyo, trademark at iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari ng JAPH at/o ibang mga third party. Ang hindi pinahihintulutang paggamit sa mga materyales na ito ay mahigpit na pinagbabawal.
Ikaw ay pinahihintulutang gumamit ng mga nilalaman ng Website na ito para sa iyong personal o di-pankomersyal na gamit lamang. Hindi mo maaaring paramihin, modipikahin, ipadala, iimbak sa isang sistema ng pagkuha, kopyahin, bigyang lisensya, ipamahagi, o ipalathala o gamitin sa anumang paraan ang anumang nilalaman sa Website na ito maliban sa pinahihintulutang gamit.
Limitasyon sa Pananagutan
Ang JAPH ay espesipikong itinatanggi ang anumang pananagutan para sa direkta, 'di direkta, nagkataon, kinahinatnan, o espesyal na mga pinsalang nanggagaling o konektado sa iyong pag-access sa o paggamit ng Website, kabilang na pero hindi limitado sa anumang kawalan o pinsalang dulot ng mga bayrus na nakaaapekto sa iyong kagamitang kompyuter o isa iyong pagtiwala sa impormasyong nakukuha sa Website. Sa pag-access ng Website na ito, sumasang-ayon kang lunasan ang JAPH at ang padrino nito bilang hindi nakasasama laban sa anumang habol sa mga pinsalang nagmumula sa anumang desisyong iyong isinasagawa base sa impormasyon sa Website na ito.
Mga Karapatan ng Third Party
Ikaw at ang JAPH ay sumasang-ayon at kinikilala na (1) walang balak na ang anuman sa mga termino ng Termino sa Paggamit na ito ay naipatutupad ng anumang Third Party alinsunod sa mga Kontrata (Mga Karapatan ng Third Party) Ordinansa (Cap 623); at (2) ang mga Termino sa Paggamit na ito ay hindi isasama sa pagpapairal ng mga Kontrata (Mga Karapatan ng Third Party) Ordinansa.
Mga Karapatan ng Third Party
Inilalaan ang karapatan para sa JAPH na i-update ang mga Termino sa Paggamit na ito sa anumang oras ng walang paunang pasabi sa iyo.
Sa kaganapan ng alitan, ang desisyon ng JAPH ay pinal, konklusibo, at nagbubuklod.
Ang mga Termino sa Paggamit na ito ay nakasulat sa Ingles at ang Tagalog na bersyon ay salin para sa sanggunian lamang. Kung sakaling mayroong hindi pagkakapareho sa pagitan ng Ingles at Tagalog na mga bersyon, ang Ingles ang mananaig.